panaginips
the other night, may part 2 ang Watson's dream. this time daw, alam ko na na walang milkalmondpistachio doon, at okay lang sa akin, alam ko na mahahanap ko yun someplace else. pero madami pa rin akong binubuksan na containers of body butter. wala lang. siguro kasi nag-message si markie nung monday na he tried looking for it daw sa london, pero wala nung ganung variant, at kung ok lang daw na iba na lang. hihihi. (sabi naman ng kuya ko, nabilhan na nya ako, at napadala na. hahaha.)
kagabi naman :-) :-) :-) (waaaaa...kinikilig ako talaga!) napanaginipan ko sha. basta sha, yung nasa malayo na gusto ko at mahal ko. bumalik na daw sha. (sa kanyang sulat, babalik daw sha sa susunod na taon woohoo!) nasa kwarto daw kami, at nililigpit ang mga kalat ko. kini-quiz ko daw sha tungkol sa buhay sa pilipinas, buhay-kyusi, nakakatuwa kasi naaalala nya lahat. as in. tapos sabi ko, di ko ni-reserve yung dati nyang tinitirhan kasi tatanungin ko pa sha kung gusto nya dun. tapos tinitingnan nya ko at niyakap. gusto daw nya kasama nya ako. (sa apartment ko? okay ba yun, roomie rudie?) wehehehe. basta ang cute lang kasi, mga sinasabi ko sa panaginip, pa hard-to-get chova pero alam na alam nya yung gusto ko, at gusto nya rin. hehehehe. cutie. :-D

(photo by Pansy)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home