Image hosted by Photobucket.com a little messy, but full of love ;-): hopes and fears

Thursday, April 28

hopes and fears

so. yun. na launch na rin ang women's march against poverty and globalization, kahapon. it went well, i should say. mahigit isang oras kaming naglibot sa Quezon Circle. May mga minutong nakikilabutan ako--na ha high, sa pakikinig ng madamdamin na pananalita ng mga speakers, merong naninindig ang balahibo habang pinapanuod ang ritual-presentation kung saan isang babae ay marahang kumikilos, natutumba, nakahiga, tumatayo, habang pasan ang tatlong mahahabang bamboo. the burden of globalization. . Nakaka-agit din pakinggan ang mga emcee na nakatayo sa trak habang nag li-lead ng chant

hinahamon kayo
gising babae!
hinahamon ngayon
welga babae!

Masaya ako para sa lahat lalo na yung mga nagtaya ng malaki -- panahon, pera, kagalingan, talento, pagmamahal upang mailunsad na nga ang kampanyang ito. Panahon na. Dati pa.

Medyo nakaka-disappoint lang yung parte ng programa nung hapon kasi the testimony-giver on the issue of fundamentalism seemed very much like a fundamentalist herself. Paano lalabanan ang karahasan ng traditional na mga pananaw kung ikaw mismo ay isinasabuhay ang mga pananaw na ito? :-(

I was up early today to accompany my boss as she guested on the (super) early morning show called Breakfast. It wasn't that I expected too much on the hosts, but I'd have liked it better if the other FEMALE hosts (not involved in the segment) were also listening. The least they can do. :-) Sana mahikayat ko yung babaeng production assistant. Sana ma-curious sha. Mag kape kaya kami minsan? There were simple questions, not too sharp but good enough I guess. The male host said campaigns of women for women usually tend to make them feel alienated, or worse, defensive. Pero promise, what women fight for, women being women, they want what's good for all. Men, women, children, and the environment.

Mukhang malayo pa nga ang tatahakin ng women's movement sa mundo. Simula na lang sa pag-abot sa kapwa babae. Marami pang mga babaeng kakausapin, kukumbinsihin, i-agitate at i-inspire. Marami pang confusions and contradictions sa mga babaeng nagtataguyod ng karapatan ng kababaihan bago tayong lahat na mga babae, sa ating mga sarili, ay ma-recognize, matanggap, maisagawa, maisabuhay, maipagmalaki at maipagtanggol ang ating mga karapatan at kakayanan bilang anak, kapatid, kaibigan, magulang, manggagawa at bilang tao. At lalong mahalaga, mai-praktis natin sa ating pang araw araw na pamumuhay ang ating mga itinataguyod at ipinaglalaban ukol sa reproduksyon, pundamentalismo, demokratikong karapatang pang-ekonomiya, karahasan, atbp. Habang lumalaban tayo sa karapatang pangkababaihan, nawa'y maging maka-babae din tayo sa pagtanggap, at pagmahal ng mga tao sa buhay at paligid natin. I hope we all will be people, women who are thinking, empowered and free-- not to dominate, not to alienate--but to fill the world with love. :-)

May I belt out....Someday.... somewhere, we'll find a new of living. And loving. ;-)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home